PAANYAYA

Maraming beses na nating narinig ang pangalan ng Diyos. Aminin man natin o hindi, parang bale wala lang Siya sa atin. Saka lang natin siya naaalala kung tayo ay may pagsubok na hinaharap. Ano man ang ginagawa o iniisip natin, iyan ay batid ng ating Diyos.

Psa 103:14 Sapagka't nalalaman niya ang ating anyo; kaniyang inaalaala na tayo'y alabok.

Sa paningin ng Diyos, kahit anong kabutihang gawa ang ating ginagawa, hindi parin ito sapat upang tayo’y maging kalugod-lugod sa kanya. Sa panahon ng pagsubok, pagbigyan mo ang iyong sarili.

Psa 121:1 Ititingin ko ang aking mga mata sa mga bundok; saan baga manggagaling ang aking saklolo?
Psa 121:2 Ang saklolo sa akin ay nanggagaling sa Panginoon, na gumawa ng langit at lupa.
Joh 15:5 Ako ang puno ng ubas, kayo ang mga sanga: Ang nananatili sa akin, at ako'y sa kaniya, ay siyang nagbubunga ng marami: sapagka't kung kayo'y hiwalay sa akin ay wala kayong magagawa.
Mat 11:28 Magsiparito sa akin, kayong lahat na nangapapagal at nangabibigatang lubha, at kayo'y aking papagpapahingahin.

Ang salita ng Diyos ay malinaw, purong pag-ibig at may pagsinta.

Psa 19:8 Ang mga tuntunin ng Panginoon ay matuwid, na nagpapagalak sa puso: ang utos ng Panginoon ay dalisay, na nagpapaliwanag ng mga mata.

Kaibigan, huwag na huwag mo nang palampasin ang pagkakataong ito. Papasukin mo Siya sa iyong puso. Sa bawat bagay ay maykapanahunan; pagtatrabaho.pagkain, pagpapahinga o pakikihalubilo. Subalit panahon mo sa Diyos,nasaan na? Marahil minsan ay nananalangin ka, ngunit hindi parin ito sapat.

Bakit?

1Ch 16:11 Hanapin ninyo ang Panginoon at ang kaniyang lakas; Hanapin ninyo ang kaniyang mukha na palagi.

May pananampalataya ka:

Jam 2:20 Datapuwa't ibig mo bagang maalaman, Oh taong walang kabuluhan, na ang pananampalataya na walang mga gawa ay baog?

Mabait naman ako. Ayon sa salta ng Diyos, wag tayong magmatuwid sa ating sarili:

Rom 3:10 Gaya ng nasusulat, Walang matuwid, wala, wala kahit isa;
Rom 10:3 Sapagka't sa hindi nila pagkaalam ng katuwiran ng Dios, at sa pagsusumakit na maitayo ang sariling kanila, ay hindi sila napasakop sa katuwiran ng Dios.

“Eh paano ko tatanggapin si Hesus bilang tagapagligtas at kasama ko sa hirap at sagana?”

Act 2:38 At sinabi sa kanila ni Pedro, Mangagsisi kayo, at mangagbautismo ang bawa't isa sa inyo sa pangalan ni Jesucristo sa ikapagpapatawad ng inyong mga kasalanan; at tatanggapin ninyo ang kaloob ng Espiritu Santo.

Ngayon sa atin nakasalalay ang desisyon, it’s now or never!

Heb 3:15 Samantalang sinasabi, Ngayon kung marinig ninyo ang kaniyang tinig, Huwag ninyong papagmatigasin ang inyong mga puso, na gaya ng sa pamumungkahi.

Rev 3:20 Narito ako'y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako'y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya'y kasalo ko.

Pro 27:1 Huwag mong ipaghambog ang kinabukasan; Sapagka't hindi mo nalalaman kung ano ang ilalabas ng ibang araw.

2Co 6:2 (Sapagka't sinasabi niya, Sa panahong ukol kita'y pinakinggan, At sa araw ng pagliligtas kita'y sinaklolohan: Narito, ngayon ang panahong ukol; narito, ngayon ang araw ng kaligtasan):

Alam kong ang Diyos ay nangungusap sa iyong puso, aking kaibigan. Sa lahat ng kanyang kabutihang gawa, hindi natin Siyang kayang tanggihan. Ikinalulugod kong paglingkuran ka upang pag-usapan natin ang mga bagay patungkol sa Diyos.

Luk 18:27 Datapuwa't sinabi niya, Ang mga bagay na di mangyayari sa mga tao ay may pangyayari sa Dios. (tlp)

http://www.sayadi-al-nas.com
صيادي الناس